Pananampalataya at Pagtitiwala
138
IPAGDIWANG ANG PANGALAN
All Hail the Pow’r of Jesus Name
Siya ay dakila’t marangal ang Kanyang ngalan. Awit 29:1
1
Ipagdiwang ang pangalan ni Jesus na mahal,
At S’ya ay ating Putungan na Hari ng tanan,
At S’ya ay ating putungan na Hari ng tanan.
2
Sa Lumikha ay gumalang Israel na bayan,
Lahat ng lipi at angkan puri ay ialay,
Lahat ng lipi at angkan puri ay ialay.
3
Lahat ng makasalanan puso ay hugasan,
Manumbalik sa paanan ni Cristong maalam,
Manumbalik sa paanan ni Cristong maalam.
4
Bawat tao sa daigdig lapit at magsulit,
Makisanib sa pag-awit sa Hari ng langit,
Makisanib sa pag-awit sa Hari ng langit.
- Lyrics
- Rev. Arcadio Cabildo probable · printed as AGCabildo
- Music
- OHolden
Imnario page 154