Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Buhay Kristiano

139

KAPAYAPAAN NG DIOS NASA AKIN

It is Mine

Ang Aking kapayapaan ang iniiwan Ko sa inyo. Juan 14:27

1

Kapayapaan ng Dios nasa akin,

S’yang naghahari sa ‘king damdamin,

Pangamba, takot at madlang hilahil,

Ay Kanyang pinatigil.

Chorus (Koro)

Kapayapaan ay nasa akin,

Kaloob ni Cristong nagmamahal,

Kapayapaa’y nasa akin

Hanggang magpakailanman.

2

Walang kupas tunay na kagalakan,

Sa akin ay Kanyang ibinigay,

Ang lakas ko sa Kanya ilalaan

Pati ang buong buhay.

3

Ang pag-ibig ng Dios sa aking buhay,

Ay nagdudulot ng kaaliwan,

Ang galak at t’wang aking naranasan,

Tulad sa kalangitan.

Lyrics
Rev. Honorio Rivera probable · printed as HRivera
Music
WEMarks

Imnario page 155