Pananampalataya at Pagtitiwala
140
ANG MAUPO SA PAANAN NI JESUS
At the Feet of Jesus
Naupo si Maria sa paanan ng Panginoon at nakinig. Luc.10:39
1
Ang maupo sa paanan ni Jesus, anong inam,
Pawang salita ng buhay, laging napapakinggan.
Aking nagugunamgunam, ang kahapong nagdaan,
Ang pag-ibgi N’yang dalisay,
sa puso’y nagtagumpay.
2
Kung kay Cristo’y nakahilig ay
walang kasing tamis,
Tatakas ang sala’t hapis, at panatag ang dibdib.
Sa piling Niya’y aking nais na lumuha’t humibik,
Natatangap ko ng labis ang aliw at pag-ibig.
3
Dios ako ay pagpalain na sumaiyong piling,
Tunghan Mo akong may giliw,
mukha Mo’y mamalasin;
Isip ko ay liwanagin matuon sa gawain,
Buhay ko ay tangkilikin at ako ay banalin.
- Lyrics
- Vedasto DeMesa Diolanda probable · printed as VDDiolanda
- Music
- Di-kilala
Imnario page 156