Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Buhay Kristiano

141

ANG SA JORDANG KAPATAGAN

Jesus Leads

Aking inaalaala ka mula sa lupain ng Jordan. Awit 42:6

1

Ang sa Jordang kapatagan, pagkaganda

Bawat may hirap sa buhay, giginhawa.

Aaliwin sa pag-asa, ang pusong may dusa,

Si Cristoy’ laging kasama, taglay ang pagsinta.

Chorus (Koro)

Di babayaang mawalay,

Kay Jesus na mapagmahal;

Oo tunay, Siya’y patnubay

Sa daan ng buhay.

2

Napakahirap mabuhay kung mawalay

Sa tubig na sakdal inam pagkapanglaw.

Lapit ngayon sa kadluan ng tubig ng buhay.

Ang huminging nauuhaw ay Kanyang bibigyan.

3

Kung si Jesus ang aakay walang takot,

Sa Kanya’y may kagalakan walang lungkot.

Ang pangamba’t alinlanga’y Ilapit kay Jesus,

Purihin S’ya at awitan ng buong irog.

Lyrics
Bishop Lázaro G. Trinidad · printed as ObLGTrinidad

Imnario page 157