Pananampalataya at Pagtitiwala
142
ANG TAGASUNOD NI CRISTO
Follow the Gleam
Ikaw ay maging uliran ng mga nagsisisampalataya. 1 Tim.4:12
1
Ang tagasunod ni Cristo,
Ay naghirap na totoo
Sa paghahatid sa tao,
Ng dakilang Ebanghelyo.
Chorus (Koro)
Sundan, sundan ang uliran,
Ebanghelyo ay isaysay;
Sundan, sundan ang uliran,
Si Jesus ang ating tingnan.
2
Sa gawa, kilos at wika,
Dapat maging halimbawa;
Upang purihin ng madla
Ang ating Dios na dakila.
3
Kung tayo ay makasunod
Sa Kanyang dakilang utos,
Putong ng buhay ang handog
Sa langit ng tuwa’t lugod.
Ang Kristiano’y tinitingnan sa pag kilos araw araw,
At laging hinahatulan,sa bahagyang kamalian.
Titik ang ating katulad, na binabasa ng lahat,
At hinahatulang kagyat,kung hidwa o nararapat.
- Lyrics
- Vedasto DeMesa Diolanda probable · printed as VDDiolanda
- Music
- SHDouglas
Imnario page 158