Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Buhay Kristiano

145

KALULUWA KO

Be Still My Soul

Magsitigil at kilalanin ninyo na Ako ang Dios. Awit 46:10

1

Kalul’wa ko, Dios mo ay kapiling

Pagtiisan lungkot at pasanin

Ilagak sa Kanya ang dalahin,

Kaylan pa ma’y tapat S’ya sa atin

Kalul’wa ko, S’ya ay Kaibigan,

Ang dulot sa wakas, kagalakan.

2

Kalul’wa ko, ang Dios mo ang patnubay

Katulad ng araw na nagdaan

Pag-asa ay di dapat mawala

Maglilinaw lahat ng hiwaga Kalul’wa ko,

S’ya’y Hari ng lahat

Sinusunod Kanyang manga atas.

3

Kalul’wa ko, papalapit ang oras

Na makapiling N’ya tayong lahat

Kasawian, takot ay lilipad

Kahalili’y katuwaa’t galak

Kalul’wa ko kung luha’y maampat

Nakalaa’y ligaya sa wakas.

Lyrics
Rev. Honorio Rivera probable · printed as HRivera
Music
JSibelius

Imnario page 161