Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Pananampalataya at Pagtitiwala

146

KAY JESUS AKO PIPISAN

Sino ang maghihiwalay sa akin sa pag-ibig ni Cristo? Rom.8:35

1

Kay Jesus ako pipisan,

Hindi ako hihiwalay,

Pagka’t ibig ko ang buhay

At ligayang walang hanggan.

Chorus (Koro)

Kay Cristo ako kakapit,

Yayakap ng buong higpit;

Hanggang sa langit sumapit.

Hanggang sa langit sumapit.

2

Kahit na anong dumatal,

Tuksong iba’t ibang kulay,

Ay di ko katatakutan

Dahil Kay Jesus kong buhay.

3

Ang pangako N’ya sa akin,

Kung sa Kanya ay pumiling,

At ako ay manalangin,

Ang tukso ay tatalunin.

4

Sa wakas kung ang buhay ko,

Pumanaw sa mundong ito,

Sa langit ako tutungo,

Puputungan Niya ako.

Lyrics
Bishop Francisco Gregorio · printed as ObFGregorio

Imnario page 162