147
KAY JESUS LAPIT NA ANG LAHAT
Sweet By and By
Upang ang sanlibutan ay maligtas sa pamamagitan Niya. Juan 3:17
1
Kay Jesus lapit na ang lahat,
At purihin Siyang may galak,
Nagbata, nagtiis ng hirap,
Upang tayo ay mangaligtas.
Chorus (Koro)
Kay Jesus, dumulog,
Kakamti’y kaligtasang lubos,
Tayo ay sumunod
Langit ay kakamtin kay Jesus.
2
Si Jesus ang Siyang tumubos,
Nagligtas sa dusa at lungkot,
Buhay N’ya’y kusang inihandog,
Dahil sa tunay na pag-irog.
3
Lahat ng lalapit sa Kanya,
Na may pananampalataya,
At sa aral N’ya’y tatalima,
Sa langit, kakamti’y ginhawa.
Nang Siya’y manaog sa lupa,
Nakitulad sa taong dukha,
Hinubad ang pagkadakila,
Nang S’ya ay maging halimbawa
- Music
- JPWebster
Imnario page 163