Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Pananampalataya at Pagtitiwala

150

MAGTIWALA, SI JESUS AY SUNDIN

Trust and Obey

Upang sila ay manalig at tumalima kay Cristo. Rom.16:26

1

Kung tayo’y lalakad sa Kanyang liwanag

Mal’walhati ang ating landas.

Kung tayo ay tapat sa lahat N’yang atas

Iingatan sa bawa’t oras.

Chorus (Koro)

Magtiwala, si Jesus ay sundin

At paliligayahin,

Magtiwala’t sundin.

2

Wala ni ulap mang bahid ng karimlan

Kay Jesus lamang napaparam.

Walang alinlangan, takot o luha man

Kung Siya ay pagtiwalaan.

3

Ang mga pasanin, lungkot at panimdim

Pagsisikap sa’ting gawain

Anumang damdamin, maging krus ang bathin

Ang lahat ay pagpapalain.

4

Sama-samang dinggin ang Kanyang habilin

At lumakad sa Kanyang piling.

Anumang sabihin, saan man dadalhin

Magtiwala at S’ya ay sundin.

Lyrics
Rev. Arcadio Cabildo probable · printed as AGCabildo
Music
DBTowner

Imnario page 166