151
O JESUS NA AKING BUHAY
Close to Thee
Lumapit kayo sa Dios at Siya ay lalapit sa inyo. Sant. 4:8
1
O Jesus na aking buhay,
Tangi kong kaligtasan;
Sa akin Ikaw’y patnubay
Sa mundong sakdal panglaw.
Sa piling Mong mahal,
Sa piling Mong mahal,
Kakamti’y kaligayaha’t
Buhay na walang hanggan.
2
Di ganda at kayamanan
Ang kaaliwang tunay;
Kundi ang katotohanang
Sa aki’y bumabanal.
Sa piling Mong mahal,
Sa piling Mong mahal,
Tunay kong mararanasan
Ang tuwang walang hanggan.
3
Sa mundo, ang kahirapan
At maging kaaway man
Ay hindi katatakutan,
Kung kapiling ko’y Ikaw.
Sa piling Mong mahal,
Sa piling Mong mahal,
Ay walang makaaagaw
Sa tuwang walang hanggan.
- Lyrics
- ACYlagan
- Music
- SJVail
Imnario page 167