Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Pananampalataya at Pagtitiwala

152

SI CRISTO BA AY NAG-IINGAT?

Does Jesus Care?

Sapagka’t kayo’y ipinagmamalasakit Niya. 1 Pedro 5:7

1

Si Cristo ba ay nag-iingat

Kung puso mo ay may sugat,

At sa pagsiil ng mga hirap,

Ang daa’y ligid ng ulap?

Chorus (Koro)

Tunay na S’ya’y nagmamahal,

Hapis ko’y nalalaman.

Sa gabi at araw, laging patnubay,

Sa ‘ki’y nagbabantay.

2

Si Cristo ba ay nag-iingat

Kung mapanganib ang landas,

Kapag ang araw ay lumilipas

Si Jesus ba’y nag-iingat?

3

Si Cristo ba ay nagmamahal,

Kung tukso ay dumaratal,

Halos magapi ang pusong taglay,

Si Jesus ba’y nagmamahal?

Lyrics
Vedasto DeMesa Diolanda probable · printed as VDDiolanda
Music
JLHall

Imnario page 168