153
AMING JESUS, KAMI AY AKBAYAN
Abide with Me
Hindi ka Niya iiwan o pababayaan man. Deut.31:6
1
Aming Jesus, kami ay akbayan
Sa landas naming nilalakaran,
Mahirap kung kami ay hiwalay,
Dadaigin kami ng kaaway.
2
Ang kalagayan dito sa lupa,
Batbat ng hirap at dustang dusta,
O Jesus namin na mapagpala,
Ibuhos Mo ang Iyong biyaya.
3
Panginoon, kung Ikaw’y kapiling
Di manganganib sa dusa’t lagim,
Pagka’t Ikaw ang kublihan namin
Sa lahat ng unos at hilahil
4
Ipamasid Mo sa akin ang krus,
Nang mahawi ang ulap ng lungkot,
Sa buhay at kamatayan, O Dios,
Kung kapiling Ka’y di matatakot.
- Music
- WHMonk
Imnario page 169