SI CRISTO ANG UMAALIW
Lumapit sa Akin, kayong napapagal at nabibigatan. Mat.11:28
Si Cristo ang umaaliw, lapit may damdamin,
Lungkot mo ay papawiin, luha’y papahirin;
Lungkot mo ay papawiin, Luha’y papahirin.
Puso’y ilagak na lubos sa awa ni Jesus,
Ang hapis, dusa at lungkot, papawiing puspos;
Ang hapis, dusa at lungkot, papawiing puspos.
Ikaw ay dapat manalig, sa Dios ng pag-ibig,
Umasa at patangkilik, upang sumalangit;
Umasa at patangkilik, upang sumalangit.
Magagawa mo ba’y ano sa sariling iyo?
Ang aaliw ay si Cristo, lapit at sundin mo;
Ang aaliw ay si Cristo, lapit at sundin mo.
157 (My Faith Looks Up to Thee)
Dahil sa pananalig sa Kanya, makakalapit tayo sa Dios.Ef.3:12
Ang pananalig ko,
nakatuon sa ’yo, O Kordero.
Dinggin ang samo ko,
sala’y hugasan Mo,
Upang lubos akong maging Iyo.
Ang pala Mong taglay,
sa pusong lupaypay ay Ibigay.
Sa ’yong pagkamatay, nais kong ialay,
Pag-ibig kong tapat buong buhay.
Habang tumatawid sa daang matarik, ay ituwid.
Laganap na dilim, ay Iyong pawiin,
Nang di mahiwalay sa’yong piling
Pagsapit ng wakas, sa dulo ng landas, ay iligtas.
Cristong mapagadya, kitlin ang pangamba,
Sa piling Mo’y dalhin ang kalul’wa.
- Lyrics
- VGCabildo
- Music
- LMason
Imnario page 172–173