Pananampalataya at Pagtitiwala
158
PAG-ASA KO AY NATATAG
My Hope Is Built on Nothing Less
At inilagay ang patibayan sa bato. Luc. 6:48
1
Pag-asa ko ay natatag
Sa hirap ng Manliligtas,
Di salig sa aking lakas,
Kundi sa Dios na pagliyag.
Chorus (Koro)
Cristong matibay na bato,
Ang S’yang tanging saligan ko.
2
Ikubli man ng karimlan,
Ang mukha N’ya’y mamamasdan,
Kahit bagyo ang dumatal,
Maaasahan S’yang tunay.
3
Ang pangako N’ya sa akin,
Ang alalay sa panimdim,
Ang lupa man ay magdilim,
Pag-asa’y di magmamaliw.
4
Sana ako’y masumpungan,
Sa pamuli N’yang pagdatal,
Na totoong nadaramtan
Ng tunay na kabanalan.
- Music
- JBDykes
Imnario page 174