O PAG-IBIG NA SAKDAL
O Perfect Love
Ang Kanyang pag-ibig ay nagiging sakdal sa atin. 1 Juan 4:12
O, Pag-ibig, sakdal at di malirip,
Pakumbaba ang aming paghibik,
Sana’y wagas at puspos ng paggiliw
Buhay nilang pinagisang dibdib.
Sakdal na Buhay, na S’yang katiyakan
Ng pagsinta’t pag-asang matibay,
Pananalig na matatag at tunay,
Walang takot, kahit kamatayan.
Sila’y bigyan ng t’wang mapagtagumpay
Sa lungkot, sakit at kahirapan,
At sa wakas sana’y pagkalooban
Buhay, pag-ibig na walang hanggan.
160 (Softly Now, the Light of Day)
Narito ang pag-ibig ng Dios. 1Juan 4:10
Pag-ibg N’ya sa akin,
Kahit ako’y salarin,
Nag-iingat na tambing
Sa’king mga gawain.
Kahit na mayro’ng sala,
Marungis kong kalul’wa,
Pinagpapala rin N’ya
Nang dahil sa pagsinta.
Pusong makasalanan,
Binigyang kaligtasan,
At Kanyang iingatan
Ang aking kalagayan.
Kalul’wa ko’y may dungis
Dahil sa gawang lihis,
Hinangi sa panganib
Nang magsilapit ang langit.
- Lyrics
- VGCabildo
- Music
- LMGottschalk
Imnario page 175–176