Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Pananampalataya at Pagtitiwala

161

PAG-ASA KO AY NATATAG

My Hope Is Built on Nothing Less

At inilagay ang patibayan sa bato. Luc.6:48

1

Pag-asa ko ay natatag

Sa hirap ng Manliligtas,

Di salig sa aking lakas,

Kundi sa Dios na pagliyag.

Chorus (Koro)

Cristong matibay na Bato,

Ang S’yang tanging saligan ko,

Ang S’yang tanging saligan ko

2

Ikubli man ng karimlan,

Ang mukha N’ya’y mamamasdan,

Kahit bagyo ang dumatal,

Maaasahan S’yang tunay.

3

Ang pangako N’ya sa akin,

Ang alalay sa panimdim,

Ang lupa man ay magdilim,

Pag-asa’y di magmamaliw.

4

Sana ako’y masumpungan,

Sa pamuli N’yang pagdatal,

Na totoong nadaramtan

Ng tunay na kabanalan.

Music
WBBradbury

Imnario page 177