Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Buhay Kristiano

162

BAWA’T MIEMBRO MISYONERO

Magsihayo kayo at gawing mga alagad ang lahat

ng mga bansa. Matt.28:19-20

1

Tayong lahat ay magsihayo

Bawa’t miembro misyonero

Dalhin sa lahat ng dako

Pagliligtas ni Jesu Cristo

2

Ang aanihin ay sagana.

Ang kailanga’y manggagawa

Pagmasdang may pagnanasa

Nakahanda na ang tumana.

3

Hanapin ang mga tao

Dalhin sa paanan ni Cristo.

Tayong lahat ay magsihayo

Bawa’t miembro misyonero

Dalhin sa lahat ng dako ang ebanghelyo!

Lyrics
Rev. Arcadio Cabildo probable · printed as AGCabildo
Music
FCCabildo

Imnario page 178