164
O PAG-IBIG NA DAKILA
Love Divine, All Loves Excelling
Dito nahayag ang pag-ibig ng Dios sa atin. 1Juan 4:9
1
O pag-ibig na dakila, mapasa amin nawa,
Sa landasin Mo’y itugma, lubusin sa biyaya;
Mapagpala’t mahabagin, O Jesus na magiliw,
Pagliligtas Mo’y ibiging manatili sa amin.
2
Banal na Diwa’y ilapit sa damdaming may hapis,
Maghari sa aming isip nang sa’yo ay malapit;
H’wag kaming pababayaan sa pitang kasamaan,
Kam’y laging pangunahan ng Iyong Diwang Banal.
3
Mal’walhating pagkalinga, pag-ibig na sagana,
Kahabaga’t pagpapala ang alay na biyaya;
Puso namin ay linisin, sa sala’y patawarin,
Nang sa langit tamasahin, ligayang walang maliw.
Amen.
- Music
- JZundel
Imnario page 180