165
SI JESUS ANG SALIGAN
The Church’s One Foundation
Si Cristo Jesus ang pangulong bato. Ef.2:20
1
Tanging Iglesiang tunay, Jesus ang saligan;
S’ya’y bagong nilikha N’ya sa wika N’yang banal,
Inilaan s’yang tunay bilang kasintahan,
Buhay ang pinuhunan, sa kanya’y namatay.
2
Hirang sa bawa’t lupa nguni’t iisa nga,
Ang saligang dakila ay isang Bathala.
Isang kapanganakan, at paniniwala,
Dulot na pagpapala, pag-asa’t biyaya.
3
Sa paggawa’t ligalig, digmaa’y masungit,
Ang hintay ay pagsapit ng pananahimik,
Hanggang masda’y silahis ng t’wang di malirip,
At ang Iglesiang nais, Iglesiang tahimik.
- Lyrics
- Vedasto DeMesa Diolanda probable · printed as VDDiolanda
- Music
- SSWesley
Imnario page 181