166
ANG IEMELIF
Sa ibabaw ng batong ito, itatayo Ko ang Aking Iglesia. Mat.16:18
Ang IEMELIF ay diwa ng buhay at ng pag-ibig,
Ang IEMELIF, sa Ama umaasa hanggang langit.
Ang IEMELIF, ang kasalana’y pilit nilulupig,
O, sa IEMELIF, pag-ibig ay naghahari bawa’t saglit.
Pusong dalisay sa pagmamahal,
Sa IEMELIF mo matatagpuan;
Ang maligayang pagdaramayan,
Buklod na matibay ng kapatiran.
Tayo ngayon ay magsilapit
Sa Dios Amang Hari ng langit,
Sa awitan ay makisanib,
At mangalingkod sa piling ng IEMELIF.
- Lyrics and music
- AGVillanueva
Imnario page 182