167
ISANG UMAGANG MALUWALHATI
Some Golden Daybreak
Sa bukang-liwayway ay wala ng lungkot. Awit 30:5
1
Isang umagang mal’walhati,
Kalungkutan ay mapapawi;
Wala nang hirap at pighati,
Panginoon ang maghahari.
Chorus (Koro)
Isang umagang ginintuan,
S’ya’y darating na matagumpay.
Mula sa langit ay sisigaw,
Sasalubungin ako’t ikaw.
2
Lungkot na puso, magagalak,
Ang karimlan ay liliwanag;
Mangababago tayong lahat
Tulad ni Cristong Manliligtas.
3
O mal’walhating pagkikita,
Wala nang luha’t pagtangis pa,
Duon sa langit magsasama,
O kay ligaya ng umaga.
- Lyrics
- Rev. Arcadio Cabildo probable · printed as AGCabildo
- Music
- CBlackmore
Imnario page 183