Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Kamatayan at Pag-alaala

168

ALALAHANIN NG LAHAT

There Is a Home Over There

Kung saan Ako naroroon, kayo ay dumoon. Juan 14:3

1

Alalahanin ng lahat ang

handang tahanang marilag,

Nadoon ang banal at ganap

may kasuotang binusilak,

Naroon si Jesus na tanging

Haring kukupkop

Naroon si Jesus, si Jesus,

tanging liwanag na puspos.

2

Doon sa tahanang langit

di mararanasan ang init,

Ang lahat ay magsisiawit,

nang buong puso at pag-ibig.

Naroon si Jesus,

tanging tunay ang pag-irog

Naroroon si Jesus, si Jesus,

ang s’yang tunay nating Diyos.

3

Sa langit ay gunitain,

na unang kaibigan natin,

Na inaawit ng taimtim,

ang galak na di magmamaliw.

Naroon si Jesus na s’yang

tunay nating moog

Naroon si Jesus, si Jesus,

tanging kadluan ng lugod.

Music
TCO’Kane

Imnario page 184