Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Kamatayan at Pag-alaala

169

BAYANG TIGIB KAGALAKAN

The Better Land

At nakita ko ang baying banal. Apoc.21:2

1

Bayang tigib kagalakan

Na talagang inilaan

Sa atin ni Jesus lamang,

Kay inam na panahanan.

Chorus (Koro)

Walang hapis (Walang hapis)

O hirap man, (O hirap man)

Walang luha’t kalungkutan,

Liwanag na walang hanggan.

2

Bayang tunay na tahanan

Ng piniling mga banal,

Doo’y laging may awitan,

Di matatapos kailanman.

3

Doo’y laging ang kapiling

Si Cristo na masintahin,

Doon twina’y sasambahin

Ang Dios nating maibigin.

Kalangitang mal’walhati,

Tanging isang Dios ang Hari,

Doo’y walang pagtangi

Nang kulay o maging lahi.

Music
DBTower

Imnario page 185