Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Kamatayan at Pag-alaala

170

JESUS KAMI’Y LINGKOD MO

Old Kentucky Home

Ang matuwid ay maaalaalang walang hanggan. Awit 112:6

1

Jesus kami’y lingkod Mong nagaalay

Ng dangal, puso, buhay,

Sa piling Mo’y di ibig ang mawalay

Maglilingkod na hindi huhumpay.

Chorus (Koro)

Sa iyo, O Jesus,

Kami’y naghahandog

Ng paglilingkod na walang pagkatapos,

Ang tiwala sa Iyo ay lubos.

2

Pagawit nami’y isang alaala

Sa yumaong kasama,

Na naglingkod at sa’yoy tumalaga,

Namuhunan ng buhay at dusa.

3

Kung sa langit, kami’y Iyong tawagin

Upang pagpahingahin,

Isang bagay ang aming hinihiling,

Kaluluwa namin ay tanggapin.

Ang Iglesia na kaniyang minahal,

Na s’yang pinaglilingkuran,

Buong sikap ba aming iingatan,

Ipagtatanggol, ipaglalaban.

Lyrics
Bishop Matías B. Valdez · printed as ObMBValdez
Music
Hawaiian folk melody

Imnario page 186