Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Kamatayan at Pag-alaala

171

MAY TAHANANG BANAL

The Brighter Home

Sa bahay ng Aking Ama ay maraming tahanan. Juan 14:2

1

May tahanang banal, sa Kristiano’y laan,

Na siyang luklukan ni Cristong maalam,

Walang kalungkutan na mararanasan,

Ang sa sanlibuta’y managumpay.

Chorus (Koro)

O tahanang maligaya

Naluklukan ng Diyos Ama,

Sa Iyo hahangga ang nagsipagbata,

At may karapatan sa ligaya.

2

Asahang darating ang panahong taning,

Na tayo’y dadalhin sa Kaniyang piling,

Doo’y hahawiin, mga hirap natin,

At palalagiing walang lagim.

3

Ang langit na bayan, di matatagpuan,

Kundi mamagitan si Jesus na mahal,

Kung sa ibang ngalan, di mararanasan

Ang kapahingahang hinihintay.

Imnario page 187