177
SA LANGIT NA ATING BAYAN
No Sorrow There
Doon papahirin bawa’t luha…wala ng kamatayan. Apoc.21:4
1
Sa langit na ating bayan,
May tahanan naghihintay.
Ligaya ay walang hanggan,
Si Cristo and S’yang naglalaan.
Chorus (Koro)
O ligayang walang humpay,
Anong tamis nang mapisan,
Sa pilig ng nagmamahal,
Doo’y walang kalungkutan.
2
Tulad nati’y manlalakbay
Sa landasin nitong buhay,
Tunay nating bayan lamang
Ang langit ng mga banal.
3
Sa lupa ay di kakamtam
Ang tunay na kagalakan;
Kahirapan, luha’t lumbay,
Ang dulot ng sanlibutan.
4
Dito tayo’y di lalagi,
Tayo’y sa langit uuwi,
Doo’y walang nang pighati
At ang luha’y mapapawi.
- Lyrics
- MBanting
- Music
- GCStebbins
Imnario page 193