178
MAKIKITA AKONG MUKHAAN
Face to Face
Pagkatapos ay makikita natin sa mukhaan. 1Kor.13:12
1
Makikita kong mukhaan
Si Cristong aking mahal,
Mamasdang may kagalakan
S’yang sa aki’y namatay.
Chorus (Koro)
Makikita kong mukhaan,
Makikita kong tunay
Ang kanyang kal’walhatian
Do’n sa kabilang buhay.
2
Sa ngayon ay malabo pa
Mamalas ang mukha N’ya
Balang araw makikita
Mukha N’yang sakdal ganda.
3
O anong palad na araw
Ang aking tinatanaw,
Kay Jesus mararanasan
Buhay na walang hanggan.
Masaya’t maaliwalas
Ang pinatag na landas,
Kung mahawi na ang hirap
Ang tuwa’y walang kupas.
- Music
- GCTullar
Imnario page 194