ILAPIT MO AKO, DIOS SA IYO
Nearer, My God to Thee
Mabuti sa akin lumapit sa Dios, aking kanlungan. Awit 73:28
Ilapit Mo ako, Dios sa Iyo,
Kahit bigat ng krus, babathin ko;
Mga awitin ko ay di magbabago,
Ilapit Mo ako, Dios sa Iyo.
Nais kong matanaw ang hagdanan
Na tungo sa Iyong kaharian;
Mga anghel doon, hinihintay ako.
Ilapit Mo ako, Dios sa Iyo.
Naidlip kong isip, nang magising,
Ang aking hinagpis, di na pansin;
Sa alab ng nais, na makapiling Mo.
Ilapit Mo ako, Dios sa Iyo.
Kung sa mga bagwis ng t’wat lugot
Sa kalwalhatia’y paimbulog
Ang dating awit ko ay di magbabago.
Ilapit Mo ako, Dios sa Iyo.
Ang tulad ko’y gala sa karimlan,
Ang unan ko’y bato ng mahimlay;
Nguni’t sa pangarap, kapiling ko’y ikaw,
Ilapit Mo ako, Dios sa Iyo.
Araw, b’wan at bit’wi’y malilimot,
Kung sa langin dalhin ng twa’t lugod;
Ang aking awiti’y ang dating pagluhog,
Ilapit Mo ako, Dios sa Iyo.
- Music
- LMason
Imnario page 195