ATING SAGIPIN ANG NASA PANGANIB
Throw out the Line
Ng siya’y malulubog ay sumigaw,”Iligtas Mo ako”. Mat.14:30
Ating sagipin ang nasa panganib,
Timbula’y Ihagis;
Magkaisa tayong sila’y ilapit,
Timbula’y ihagis
Sa ngalan ni Cristong umibig,
Na kanyang dugo’y itinigis,
Ang kamatayan ay ginahis; timbula’y ihagis
Masiglang saklolohan
Ihagis ang timbulan,
Salita ng Dios ay asahan,
Tunay na timbulan.
Sa lakas ng sigwa kung mababagbag,
Timbula’y Ihagis;
H’wag kang magpabaya’t mapapahamak,
Timbula’y ihagis
Ihanda sa taning na oras,
Na may pagsintang walang kupas,
Tumulong ka sa pagliligtas
Timbula’y ihagis
Sa laki ng along lubhang masungit,
Timbula’y Ihagis;
May nasang maligtas na nanganganib,
Timbula’y ihagis
Ang kamataya’ynangangalit,
Diyos ay asahan bawa’t saglit
Kung mahina na’t nanlalamig
Timbula’y ihagis
- Lyrics
- Vedasto DeMesa Diolanda probable · printed as VDDiolanda
- Music
- WSMartin
Imnario page 196