IBIGIN ANG KAP’WA
Rescue the Perishing
Magsiparoon kayo sa mga tupang nangawaglit. Mat.10:6
Ibigin ang kap’wa ang maging nasa,
Katulad ni Jesus na dakila;
Iniwan ang langit, nagpakababa,
Ang lahat na ay pinagpapala.
Akayin sa landas ang nalilinsad,
At ang Dios ng habag, magliligtas.
Umibig sa kapwa ang Kanyang utos
Sa sinomang sa Kanya’y sumunod,
Gayon din ang gawin na may pagirog,
Ang kapwa mo ay dalhin kay Jesus.
Ituro ang daan ng kaligtasan,
Tulong ni Cristo’y iyong asahan,
H’wag kang manglupaypay, puso’y tapangan,
Paraiso ang iyong kagantihan.
Kung kap’wa’y tanggihan ang Kanyang bilin,
At ikaw pa ang duduhagihin,
S’ya ay akitin mo ng buong giliw,
Hanggang si Kristo’y kanyang tanggapin.
Umibig sa kap’wa ang Kanyang utos
Sa sinomang sa Kanya’y sumunod,
Gayon din ang gawin na may pag-irog,
Ang kap’wa mo ay dalhin kay Hesus.
- Lyrics
- Bishop Lázaro G. Trinidad · printed as ObLGTrinidad
- Music
- WHDoane
Imnario page 197