182
MATAGINTING NA AWIT
Come, O Come to Me
Lumapit sa harap Niya at umawit. Awit 100:2
1
Mataginting na awit, ating ipahayag
Ang magandang balita ng pagsintang wagas
Mula sa kasalanan ang taong nasadlak
Ay ihatid sa piling ng Tagapagligtas.
Chorus (Koro)
Atin nang lapitan ang daluyan ng buhay,
At h’wag nang magpaliban, tayoy hinihintay.
Si Cristo timbulan sa daluyong ng buhay,
Tanging S’ya ang sa atin ay nagsasanggalang
2
Ari ng Dios ang langit, lupa man ay Kanya,
Ang tao man at hayop, ay pawang likha N’ya.
Iniibig N’ya tayo, tayo’y mahalaga,
Naging hirang N’yang bayan, tangi sa lahat na
3
Kung nais na sapitin, langit na maningning,
Buhay nati’y linisin, sa Dios ay ihain.
Sa pusong may hilahil, dulot Niya’y aliw,
Ang hirap ng damdamin, dagling papawiin.
Imnario page 198