Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Kulto Ebanghelistiko

185

O KRISTIANO, YUMAO’T IPAGSULIT

O Zion, Haste

Ipangaral mo ang salita. 2Tim 4:2

1

O Kristiano, yumao’t ipagsulit

Na ang Dios ay ilaw ng daigdig,

Ang sino ma’y hindi N’ya ninanais

Na sa kadiliman ay mawaglit.

Chorus (Koro)

Bagong balita’y ipahayag

Na si Jesus ang sa atin ay nagligtas.

2

Kay dami ng nahidwa at nawalay

At nalugmok sa kaalipinan,

Sa kanila’y walang nagpaunawang

Si Cristo lamang ang kaligtasan.

3

Ihandog mo ang yaman at talino,

Ipaglingkod ang buong buhay mo,

Nang ang kapwa’y mailapit kay Cristo

At mabuhay na may pusong bago.

Nang ang mga kalul’wa’y maiilag

Sa panganib ng pagkapahamak,

Ang buhay ni Hesus na nawakawak

Ay pinuhunan at ibinayad.

Lyrics
Federacion
Music
JWatch

Imnario page 201