186
LUMAPIT NA SA LIWANAG
Come on the Wings of the Morning
Ang Panginoon ang magiging iyong walang hanggang liwanag. Isa.60:20
1
Lumalapit na sa liwanag,
Lapit, O taong pahat,
Nang puso mong may bagabag
Ay Siya ang lumulunas
Chorus (Koro)
Lapit, lapit na sa liwanag,
Na sa tao’y inilagak,
Lumapit ka at huwag nang magpabukas,
Lumapit na sa liwanag
2
Kay Jesus tayo’y lumapit,
Dulot N’ya ay pag ibig
Puso nating nahahapis,
Ang tuwa’y makakamit.
3
Lapit na sa Panginoon
Na sa ati’y nagampon,
Lakad na at magpatuloy,
Nang sa langit humantong.
Imnario page 202