Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Kulto Ebanghelistiko

187

ANG HINANAKIT SA PUSO

Dwelling in Beulah Land

1

Ang hinanakit sa puso’y huwag panatilihin

Pagka’t uod na sa buhay mo ay kikitil;

Bakit di mo s’ya kausapin ng mataimtim,

Kapayapaan ay s’yang hanapin.

Chorus (Koro)

Sakaling kapatid mo ay nagkakamali man

Bigyan ng panahong makapagnilaynilay;

Pakatantuin mong ikaw ma’y madalas ding masinsay

Sa tuntunin ng kabanalan.

2

Di baga malimit na makapagsalita ka

Nakasasakit sa damdamin ng kasama;

Nguni’t si Jesus bukal ng tunay na pagsinta

Pinatawad ka sa iyong sala.

3

Bakit di ka makapagpatawad kung may sala

Ang iyong kasama sa loob ng Iglesia;

S’yay lapitan mo’t agad makipagkasundo ka

Nang maging marapat ang pagsamba.

4

Iwaksi sa puso mo ang lahat ng sagabal

At agad sikapin mong kayo’y magmahalan;

Bukas ay hindi iyo, baka ikaw’y pumanaw,

Puso’y may damdaming tinataglay.

Lyrics
Bishop Lázaro G. Trinidad · printed as ObLGTrinidad
Music
CAMiles

Imnario page 203