Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Bautismo at Pagbabagong Buhay

19

SI JESUS AY NAG-AANYAYA

Shall You? Shall I?

Ngayon ang araw ng kaligtasan. 2 Kor.6:2

1

Si Jesus ay nag-aanyaya

Sa mga taong may sala,

Bakit natitigilan ka pa?

Lumapit ka, lumapit ka.

H’wag bayaang palipasin pa

Ang araw ng pagliligtas Nya,

Bakit nag-aalinlangan ka?

Lumapit ka, lumapit ka.

2

Araw ng bukas ay di iyo,

Di mo alam ang buhay mo,

Kung biglang papanaw sa mundo;

Lumapit ka, lumapit ka.

H’wag bayaang paraanin mo

Ang araw na biyaya sa’yo

Lapit ngayon kay Jesu-Cristo,

Lumapit ka, lumapit ka.

3

Agapan mong tanggapin agad

Ang anyaya N’yang paliyag,

Buksan ang pusong nakalapat,

Lumapit ka, lumapit ka.

Magtindig ngayon at lumakad,

H’wag mong palipasin ang oras,

Araw ngayon ng pagliligtas,

Lumapit ka, lumapit ka.

Kung sakaling tanggihan mo pa,

Inialok na ginhawa.

At biglang manaw ang hininga.

Kung tanggapin mo ang anyaya,

Langit ay iyong makikita,

Ako’t ikaw ay magsama

Sa ligayang walang hangga.

Music
JMcGranahan
Arranged by
FCCabildo

Imnario page 36