20
SI JESUS AY MARAHANG TUMATAWAG
Softly and Tenderly
H’wag papagmatigasin ang inyong puso. Heb.4:7
1
Si Jesus ay marahang tumatawag
Sa iyo at sa akin;
Sa pinto ng puso mo’y nagmamatyag,
S’ya ay buksang magiliw.
Chorus (Koro)
Lapit, lapit
O taong napapagal;
Ang magiliw na anyaya’y pakinggan,
Siya’y ating lapitan
2
Bakit paghihintayin na may liwag
Si Jesus sa pagtawag;
Bakit alinlangan ka sa paglingap,
Sa anyayang pagtanggap.
3
Pagsintang pangako’y alalalahanin,
Sa iyo at sa akin;
Ang kasalanan ay patatawarin
Tanggapin mo ngayon din.
Tumatakas na matulin ang araw,
Ikaw ay manghinayang;
Darating sa iyo ang kamatayan,
Di ka makasusuway.
- Lyrics
- Vedasto DeMesa Diolanda probable · printed as VDDiolanda
- Music
- WLThompson
Imnario page 37