201
ANG KALULUWA KO AY TULAD NG IBON
My Soul Is like a Dove
Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo.Jn.14:27
1
Ang kaluluwa ko’y tulad ng ibon
Naghahanap sa kung saan manganganlong,
Ang kapayapaan kong nilalayon
Natagpuan ko sa Panginoon.
Chorus (Koro)
Ibon ang tulad ko
Umabot sa rurok nitong mundo,
Nang aking tanggapin si Jesu Cristo
Ihahatid ako sa paraiso
2
Katulad ko’y gala, wala ni pugad
Na masilungan sa ginaw ng magdamag.
Sa aking pagtaghoy ako’y nilingap
Sa piling ni Jesus inilagak.
3
Kaya, kaibigan, dinggin ang tawag
Iwan ang kasalanang magpapahamak.
Dalhin mo ang pasang madlang bagabag
Lapit na kay Jesus, nang maligtas.
- Lyrics
- Rev. Arcadio Cabildo probable · printed as AGCabildo
- Music
- MSParsons
Imnario page 217