202
AMA NAMING NASA KALANGITAN
Moment By Moment
Pinagpala kayo ni Yahweh at hindi hihiwalayan. Deut.31:6
1
Ama naming nasa kalangitan,
Sa gabi’t araw kami’y bantayan
Kay Satanas na aming kaaway,
Sa Iyo kami ay mangahimlay.
Chorus (Koro)
Araw araw Iyong pagpalain,
Sa kilos, diwa at sasabihin,
Sa puso kung Ikaw ay humimpil,
Ay magwawagi ng walang sagwil.
2
Pagka’t kami’y laging nadarapa,
Tulunga’t sa landas Mo’y itugma,
Nang maligtas sa buhay na dusta,
At kamtan namin ang pagpapala.
3
Ang pamamatnubay Mo, O Ama,
Kalasag namin sa tuwi t’wina,
At sandata sa pakikibaka,
Laban sa tukso at madlang sala.
- Music
- MWMoody
Imnario page 218