Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Pagluwalhati at Pagpapasalamat

226

PAPURIHAN, PANGINOONG MAKAPANGYARIHAN

Praise to the Lord, the Almighty

Pumupuri, nagbubunyi, nagpaparangal sa Hari ng langit. Dan.4:37

1

Papurihan, Panginoong makapangyarihan!

Kalul’wa, ko purihin, Hari ng kaligtasan!

Ang makinig, sa pagpuri’y sumasanib,

Siya’y ating papurihan!

2

Papurihan, Siyang sa tanan ay naghahari,

Nagliligtas at maingat na nagkakandili!

Biyaya N’ya ay sagana sa atin

Tanda ng Kanyang paggiliw.

3

Papurihan S’yang araw-araw ay nagpapala;

Kabutiha’t habag N’ya ay hindi nagbabawa!

Tantuin mo, lahat ay magagawa

Ng Dios ng langit at lupa.

4

Papurihan, Panginoo’y aking pupurihin!

Lahat tayo, Siya’y sama-samang l’walhtiin!

Ang pagsamba at mal’walhating Amen,

Buong galak na ihain.

Lyrics
VGCabildo
Music
“Stralsund Gesangbunch“

Imnario page 242