SA DIOS NA HARI NG LAHAT
Theres Is a Land of Pure Delight
Ang Dios na si Yahweh ay pasalamatan. Awit 33:2
Sa Dios na Hari ng lahat ay magpasalamat
Pagka’t Siya ang nagligtas sa nangapahamak.
Di dapat na kaligtaan sa ating buong buhay,
Lagi Siyang papurihan nang tayo’y kalugdan.
Ang pagiingat ay higit ng Dios ng pag-ibig,
Nagkukupkop bawa’t saglit sa mga panganib.
Ang gantimpala’y kakamtin,
kung S’ya ay susundin,
Pasalamata’t purihin ng buong pag giliw.
Ang Dios Ama’y nagbibigay ng ikabubuhay.
Nagaadya, nagmamahal sa lahat ng araw
Tayo ay magpuring wagas at magpasalamat.
Maglingkod ng buong tapat sa Tagapagligtas.
Ang pagkakandili’y higit
Ng Dios ng pag-ibig,
Nagkukupkop bawat saglit
Sa mga panganib.
Upang gantimpala’y kamtin,
Siya’y ating sundin,
Pasalamata’t purihin
Ng buong paggiliw.
- Music
- GFRoot
Imnario page 243