23
TAYO NA AT ATIN NA NGAYONG TUPDIN
Walking in the Blessed Light
Humayo kayo at ipangaral ang mabuting balita. Mar.16:15
1
Tayo na at atin na ngayong tupdin,
Aral na ginto, dapat na sundin,
Si Jesus sa atin ang may habilin
Na mag-ibigang tambing
Chorus (Koro)
Ating hanapin
(Ating paghanapin, ating paghanapin)
Ang mga dukhang lagi sa lagim,
Ang Dios sa atin,
(Ang Dios ang sa atin, and Dios ang sa atin)
Ang tatanglaw sa dilim.
2
Kung sakali mang tukso ang hahadlang
Sa mga gawa ng pagmamahal,
Si Jesus ang t’wina’y ating kaakbay,
Laging magsasanggalang.
3
Pagtulungan nating maibalita,
Pagsintang wagas ng Manglilikha,
Ang bigat ng krus ay pinasang kusa,
Nang maligtas ang madla.
Sa pag-ibig ay sikaping maligtas
Ang nalalayo sa t’wid na landas.
Ating ibalik sila sa liwanag,
Nang hindi mapahamak.
- Arranged by
- FCCabildo
Imnario page 40