Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Bautismo at Pagbabagong Buhay

24

TAYO’Y MAGSILAPIT

Bringing In the Sheaves

Lumapit kayo sa Akin, kayo na napapagal. Mat.11:28

1

Tayo’y magsilapit, tayo’y magsilapit,

Sa paanan ni Cristong umiibig;

Tayo’y magsilapit, sala ay itangis,

At ligaya ang ating makakamit.

Chorus (Koro)

Lapit na ngayon, lapit na ngayon,

H’wag nang magpaliban nang di magahol,

Lapit na ngayon, Lapit na ngayon,

Tanggap ang anyaya ng Panginoon.

2

H’wag makasagabal ang maling pagasa

Na si Cristo ay ayaw sa may sala,

Tayo nga ang dahil at Siya’y nagdusa,

Iwaksi ang takot, at lumapit na.

3

Idulog ang sala kay Jesus na giliw,

Nagsisising puso ay tatanggapin,

H’wag nang magpaliban tayo’y aakayin,

Kay Jesus lumapit nang di gahulin.

Dalhin mo ang sala kay Hesus na giliw,

Pusong nagsisisi ay tatanggapin,

Ihakbang ang paa at ika’y aakayin,

Sa Kanya’y lumapit ng di gahulin.

Music
GAMiner

Imnario page 41