232
O DIOS NAMING AMA, LAGING TAPAT KA
Great Is Thy Faithfulness
Dakila ang Iyong pagtatapat. Panaghoy 3:23
1
O Dios naming Ama, laging tapat Ka,
Hindi nagbabago sa t’wi t’wina;
Namamalagi ang awa’t pagsinta,
Ang katapatan mo’y walang hangga.
Chorus (Koro)
Tunay Kang matapat, tunay Kang matapat,
Araw araw aking namamalas,
Ang nasa ko ay aking natatanggap
Tunay Kang matapat hanggang wakas.
2
Tag-ani, tag-ulan at sa tag-araw
B’wan, araw at bituin kumikinang,
Nagaawitan na may kasayahan,
Katapatan mo O Dios, ay tunay.
3
Kapatawaran at kapayapaan,
Mga pangako Mong umaakbay;
Ang pag asa’t lakas ay sumisilang,
Ang lahat ng ito’y bigay lamang
- Lyrics
- Federacion
- Music
- WMRunyan
Imnario page 248