Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Pagsamba at Pagpupuri

234

HARI’Y SAMBAHIN

O Worship the King

Purihin ang Panginoon…dakila at marangal. Awit 104:1

1

Hari’y sambahin sa kalangitan,

Ating awitin ang pagmamahal,

Ating tanggulan sa lahat ng araw,

Napupuspos S’ya ng kal’walhatian.

2

Ang kalikasa’y nagpapahayag

Ng kalakasang di matitinag.

Sa wika mo ay nalikha ang lahat,

Ang paligid ay dinamtang marilag.

3

Ang pag-ibig Mo’y di masambitla,

Ng hamak naming labi at dila,

Ang bawa’t bagay na Iyong nilikha,

Kapahayagan ng awang sagana.

4

Kaming nilikhang lubhang marupok,

Nagtitwala sa Iyong lubos,

Ang biyaya Mo’y walang pagkatapos,

Tanggulan, Manlilikha’t Mananakop.

Lyrics
Vedasto DeMesa Diolanda probable · printed as VDDiolanda
Music
JMHaydn

Imnario page 250