Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Pananambahang Pang-gabi

236

JESUS NAMING MANUNUBOS

Sun of My Soul

Pinagpapahinga ni Yahweh ang Kanyang mahal. Awit 127:6

1

Jesus naming Manunubos,

Dinggin kaming lumuluhog,

Sa Iyo’y napakukupkop

Sa magdamag na pagtulog.

2

Jesus, kami ay ingatan,

Sa ligalig, isanggalang;

Upang kami’y matiwasa’y

Sa mapayapang paghimlay.

3

Jesus naming Mananakop,

Patnubayan kaming lubos,

Pagibig Mo ay itulot

Nasa amin ay ilukob.

4

Jesus, kami’y pasapitin,

Sa umaga ay magising,

Diwang Banal ay taglayin

Sa maghapong buhay namin.

Hesus, kami’y kalingain,

Buhay namin, tangkilikin;

Pagpapala’y marapating

Sa pag-idlip ay tamuhin

Music
Katholisches Gesangbuch, 1774

Imnario page 252