237
SA MAGDAMAG HANGGANG SA MAGLIWAYWAY
Still, Still, with Thee
Sasa-iyo pa rin Ako kung umaga na magising. Awit 139:18
1
Sa magdamag hanggang sa magliwayway
Kapiling Ka, O Dios, sa paghimlay,
O kay tamis kung aking maranasan
Kasama ka at laging kaakbay.
2
Pagsikat ng maluningning na araw,
L’walhati Mo ang s’yang tinataglay,
Kung ang himbing na puso ay mapukaw,
Ang nais ko, kapiling ay Ikaw.
3
Kahit pagod kung lagi kang kasama,
Panatag ang aking kaluluwa.
Sa bisig Mo’y matibay ang pagasa,
Di na ako maliligalig pa.
4
At sa wakas pagsapit ng umaga,
Pagkagising ay may bagong sigla;
Sa langit ng l’walhati at ligaya,
Aking Jesus, kasama rin Kita. Amen.
- Music
- FMBartholody
Imnario page 253