Pagtatalaga sa Bukid at Lupain
238
BINHI’Y IKINAKALAT
We Plow the Fields
H’wag kayong mangabalisa.Mat.6:31
1
Binhi’y ikinakalat ng tao sa bukid,
Nguni’t nagpapatubo, Dios na nasa langit,
Lagi nang masagana sa tubig at init,
Sa araw na silahis at hanging malamig
Chorus (Koro)
Ang mga biyaya sa ating paligid
Ay buhat sa Panginoon ng pag ibig.
2
Salamat, O Dios namin, sa aming pagkain,
Dulot ng kabuhayang sa langit nanggaling,
Aming iniaalay puso at damdamin,
Sa laging pagpupuri na di nagmamaliw.
3
Bawa’t mabuting bagay ang Dios ang may likha.
Ang liriong nasa parang, matayog na tala,
Kahit ibon sa langit di nagdaralita,
Lalong sagana tayo, pagkakamting pala
Amen.
- Lyrics
- Rev. Arcadio Cabildo probable · printed as AGCabildo
- Music
- JAPSchultz
Imnario page 254