240
ANG MASAMYONG BULAKLAK
God is Love
Ang Dios ay pag-ibig. 1 Juan 4:8
1
Ang masamyong bulaklak na lubhang marilag,
Tubig na kumikislap sa tudla ng sinag,
Halamanan at gubat, kayamanang likas,
Ay nangagpapahayag, Ang Dios ay pagliyag.
Chorus (Koro)
O dakilang pagibig, ng Dios na nasa langit,
Twina’y ating iawit, ang t’wa’y walang patid
Puso at pagiisip ay h’wag ipagkait,
Sa Haring Dios, yayamang Siya’y pag-ibig.
2
Ang talang maluningning, araw at bituwin,
Hamog at takip silim, amihang mahinhin,
Maging ang papawirin, dagat mang malalim,
Ay pawang nagtuturing ang Dios ay paggiliw.
3
Masdan natin si Jesus sa sala’y tumubos,
May anyayang mairog, lumapit nang lubos;
Araw ay matatapos dito sa sinukob,
Kaya tayo’y pakupkop sa Dios ng pagirog.
- Lyrics
- Bishop Lázaro G. Trinidad · printed as ObLGTrinidad
Imnario page 256