241
SIKAT NG ARAW SA SILANGAN
Seeds of Promise
Ang Panginoon ay aking Pastor, hindi ako mangangailangan. Awit 23:1
1
Sikat ng araw sa Silangan
Ay napakainam,
May taglay na pagmamahal
Ng Dios na marangal
Chorus (Koro)
Sa araw –araw nagbibigay
Ng ikabubuhay;
Pag-ibig ay walang humpay,
At pag-asa’y tunay.
2
Agos ng halaman sa parang
Ay napakainam,
Inaawit ang pangalan
Ng Dios nating mahal.
3
Bunga ng halaman sa parang
Ay napakainam,
Kalakasa’t kalusugan
Sa tao ay alay.
4
Alay ni Cristong kaligtasan
Ay napakainam,
Sa Kalbaryo ay namatay
nang tayo’y mabuhay.
- Lyrics
- Vedasto DeMesa Diolanda probable · printed as VDDiolanda
Imnario page 257