242
SA ATIN AY MAY TURO
God Is Love
Ang Dios ay pag-ibig. 1 Juan 4:8
1
Sa atin ay may turo ang bawa’t araw,
Nagtuturong walang humpay;
Sa lahat ng gulang, may hatid na aral,
Na ang Dios ay pag-ibig.
Chorus (Koro)
Ang Dios ay pag-ibig,
Sa ati’y nagmamasid,
Lahat ng bagay ay pawang nagsusulit,
Na ang Dios ay pag-ibig
2
Ang bawa’t umaga’y may bagong biyaya
Na dakilang pagpapala;
Sinasambit ang pangalan ng Lumikha,
Na ang Dios ay pag-ibig.
3
Awitin ang pagpupuring walang maliw,
Sama-sama na awitin;
Buhay, diwa’t kalulwa’y paliwanagin,
Na ang Dios ay pag-ibig.
- Lyrics
- Vedasto DeMesa Diolanda probable · printed as VDDiolanda
- Music
- FCCabildo
Imnario page 258